Van bumangga sa MRT-7 concrete barrier, 2 sugatan

July 30, 2020

SUGATAN ang dalawa katao matapos bumangga ang van ng mga ito  sa concrete barriers sa ginagawang MRT-7 sa stretch ng Commonwealth, Quezon City, Huwebes ng madaling araw.

Sa report na umabot sa Public Commuters and Motorists Alliance (PCMA) sa mga traffic personnel ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na naunang dumating sa aksidente parehong under the influence of liqour o lasing ang dalawa.

Ayon sa mga nakakita mabilis umano ang takbo ng van na bumangga sa concrete barrier na nagsisilbing harang sa ginagawang MRT-7.

Sa lakas ng impact, nahulog ang concrete barrier sa hukay sa construction site ng MRT, ayon sa mga witnesses.

Nagtamo ng mga sugat at galos sa iba´t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima na agad dinala sa East Avenue Medical Center ng mga traffic enforcer na agad dumating sa lugar ng insidente.

Ayon sa MMDA posibleng maharap sa patong patong na kaso ang driver, tulad ng driving under the influence of liqour, damage to public property, reckless driving at sinasabing wala ring maipakitang driver´s license ang driver ng van.

Nagpaalala ang mga traffic authority na kung magmamaneho ay huwag uminom ng alak.