Veterans libreng sakay sa Metro Rail Transit, Light Rail Transit

April 03, 2019
MRT,LRT

SIMULA bukas (April 5), hanggang April 11, magbibigay ng unlimited free rides ang Metro Rail Transit-3 at Light Rail Transit-2,  sa mga veterans bilang commemoration sa Araw ng Kagitingan o Day of Valor, ayon sa LRTA authority.

Sa official social media ng dalawang agency inanunsyo ng mga ito ang kanilang free rides para sa mga veterans.

Mula 5:20 a.m.-10:30 p.m. ang ibinigay na libreng sakay ng MRT sa mga veterans at isang kasama nito sa nasabing mga petsa.

Sa announcement naman ng LRT-2 sinabi nito na ang free rides nila sa mga veterans ay simula 4:30 a.m. hanggang last commercial trips ng nasabi ring mga petsa.

Magpakita lang ng ID mula sa Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) para ma-enjoy ang free rides, ayon sa LRTA.

Sa hiwalay na interview nagpahatid ng pasasalamat ang mga veterans sa MRT at LRT management sa ibinigay na free rides bilang pagkilala sa kagitingan ng mga ito.