AFP chief COVID-19 positive

NAGPOSITIBO na rin sa Coronavirus Disease o COVID-19 si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Felimon Santos Jr.

Ito ang kinumpirma ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana.

Ayon kay Lorenzana, nakuha ng heneral ang resulta ng kanyang test nitong Biyernes kaya't nagsimula narin itong sumailalim sa health protocols.

Kaugnay nito, sinabi ng kalihim na maging siya ay sasailalim sa self-quarantine dahil na rin sa nakasalamuha nito ang heneral sa dalawang okasyon .

Una ay sa Villamor Air Base sa Pasay kung saan itinurn over ang mga donasyong medical supplies nitong March 21. At nitong March 22 nagkita rin sila ni General Santos sa Heroes Hall sa Malacanang.

"I shall be on self quarantine effective today. This morning I was informed by CSAFP Gen Santos that he tested positive of the COVID19 - the result he got yesterday. I had close proximity with him on 2 ocassions: in VAB during the turn over of medical supplies to me last sunday p.m, 21 Mar, and again last monday afternoon 22 March, here in GHQ and at the Heroes Hall, Malacañang." Pahayag ni Lorenzana.

Sinabi rin ng kalihim na wala naman siyang nararamdamang anomang sintomas ng virus subalit kinakailangan niyang sumunod sa protocol tulad ng pagse -self quarantine.

"I have no symptoms but protocol says I have to self-quarantine for 14 days." dagdag pa ng kalihim.

Sa panig naman ng AFP, sinabi ng mga ito na magpapatuloy sa pagtatrabaho si Santos habang ito ay naka-home quarantine sa loob ng 14 na araw simula March 27,2020.

Ayon sa ulat, ang heneral ay sumailalim sa COVID-19 tesf noong March 23,2020 kung saan lumabas ang resulta nitong Biyernes.

Habang naka-quarantine ay babantayan ang heneral ng mga military physician mula sa V. Luna Medical Center.

Sa ngayon anila ay nanatiling malakas ang heneral .

"He is well and in good health condition. He will be in his military quarters where he will continue the discharge of his duties and responsibilities," pahayag ng AFP.

Si Santos ay tutulungam ni AFP Vice Chief of Staff Vice Admiral Gaudencio Collado sa pagganap sa kanyang tungkulin sa bayan partikular na sa daily operational activities.

Si Deputy Chief of Staff Lieutenant General Erickson Gloria naman ang dadalo sa mga pagpupulong na may kinalaman sa  administrative matters.

Napag-alaman na posibleng nahawa ang heneral sa isang AFP senior officer na navpositibo rin sa virus na ginawaran nito ng promosyon.

Kaugnay nito, pinayuhan din ng heneral ang mga nakasalamuha nito mula march 13,2020 hanggang March 27 na agad na magpatingin sa doctor at mag self quarantine.