Arevalo: Walang dapat ikaalarma sa papel ng AFP sa estriktong pagpapatupad ng COVID-19 quarantine measures

April 20, 2020
Edgard Arevalo
AFP spokesperson Marine Brigadier General Edgard Arevalo

KINUMPIRMA ni Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Marine Brigadier General Edgard Arevalo na naghahanda na ang tropa ng militar sa estriktong pagpapatupad ng quarantine laban sa  COVID-19 ngunit nilinaw niyang wala dapat na ikaalarma ang taongbayan.

Ito ay makaraang iutos ni President Rodrigo Duterte sa militar at pulisya na maghanda sa pagpapatupad ng social distancing at curfew sa bansa kung patuloy na babalewalain ng publiko ang mga kautusan sa enhanced community quarantine.

“Sa ngayon wala pa na namang utos ang Pangulo na mag-deploy na,” ayon kay Arevalo.

“But it is incumbent and customary on the part of the leadership of the Philippine Air Force, and the AFP under General Felimon Santos Jr.,  for that matter, to exercise its initiative of alerting and preparing our personnel including ROE (Rules of Engagement),” aniya.

"Per my conversation with the Commanding General of the Philippine Air Force, that document is an internal memo issued for the purpose of providing advance information to give guidance to personnel—in this case the PAF, Arevalo noted.

Nauna rito sa kanyang televised address ay sinabi ng  Commander-in-chief ang posibilidad na gamitin o ipakalat niya ang militar sa pag-oobserba ng disiplina ng taongbayan sa ECQ.

"Again, the context is: sinabi na ni Presidente na mag-prepare ang AFP for deployment with the PNP in case people will continue to defy the protocols and disobey the rules," ani Arevalo.

Bago ito, sinabi niyang hiniling na rin ng local chief executives ng lungsod ng Quezon, Pasay, Parañaque at Mandaluyong at munisipalidad ng Pateros ang koordinasyon ng AFP sa paghihigpit sa quarantine.

Maging ang lahat ng barangay sa NCR ay nakikiusap na rin sa assistance militar at pulisya, patunay na hirap na rin sila sa kawalang-disiplina ng mga pasaway.

"We believe there is nothing to be alarmed about in this natural reaction of the AFP to prepare and deploy when it becomes necessary," anang tagapasalita ng AFP.
Aniya, ang mga law abiding citizens at sumusunod sa batas ay walang dapat ikabahala.