Bea forever tween

August 03, 2020
Bea Binene

SA kanyang latest vlog, ibinahagi ni Bea Binene ang behind-the-scenes ng ‘Tween Academy: Class of 2012’ online reunion. 

Sa pangunguna ni Direk Mark A. Reyes V, muling nagsama-sama online ang cast members ng dating youth-oriented movie na sina Alden Richards, Barbie Forteza, Bea, Derrick Monasterio, Joshua Dionisio, Joyce Ching, Kristoffer Martin, Lexi Fernandez, at Louise delos Reyes. 

Nagpasalamat si Bea sa kanilang loyal fans at mga kaibigan sa “Tween Academy” na nananatiling malapit sa kanyang puso. 

"We'll always be 'Tweens' at heart kahit hindi na kami tweens sa edad, tweens at heart pa rin kami. I'm really lucky to have these people na talagang kaibigan ko. Lucky ako dahil sa tweens, sa Tween Academy, Tween Hearts, nakilala ko 'yung mga pinaka-close kong kaibigan," ani ni Bea.