Dimie Feria Paguio: bayaning medical frontliner

August 25, 2020
Frontliner

ISA si Dimie Feria Paguio na nagtatrabaho sa Be Sure Care Management Inc. at nag-aaruga ng mga COVID patients sa Medical Center Manila.

Hindi lang siya nagsisilbing nurse kundi kaibigan at mistulang  kapamilya ng kanyang mga pasyente kung kaya’t ang mga ito ay mabilis na gumagaling.

Patunay ito na ang mga empleyado ng Be Sure Care Management Inc. ay top of the line at may arugang mula sa puso.

“Salamat po sa mga kapatid ko. Sa ate ko, Shirley Savoie at bayaw kong si Ronald Savoie from US. Sila po ang nag-paaral sa akin noong college ako. Si Ate Merlita  Rasalan ko na nag-aalaga ng mga anak ko habang ako ay nag du-duty sa mga COVID victims.Malayo po sa akin ang anak kong bunso kasi ayaw ko siyang mahawa sakali ako nman po magkasakit,” ani Dimie.

Pinag-iingat niya ang mga ibang frontliners na katulad niya.

“Anytime po kami din kasi pwede kaming mag-positive. Prayer  na lang po talaga. Salamat sa boss ko, kay Sir Ruel Trinidad ng Be Sure Care at mga nagmamahal sa akin. Sa Be Sure family ko, mahal ko dn po kayo. I want your prayers sa mga kapwa kong frontliners. Mahirap po pero ito na ang sinumpaan naming tungkulin kaya kahit mahirap po para sa ating mga kababayan. Ingat po kayo. Stay home for us. Pray for our country,”