Go sa overpriced COVID-19 medical supplies, equipment: Krisis, ‘wag raketin

May 26, 2020
Bong Go

NAKIUSAP si Senator Christopher Lawrence "Bong" Go sa mga pribadong indibidwal o negosyante na huwag pagkakitaan o gamitin sa kanilang raket ang COVID-19 pandemic dahil lalo lang napapahirapan ang mga Filipino na nahaharap sa krisis.

"In times of crisis, every peso counts.

While government maximizes its limited resources, a lot of our fellow Filipinos have also lost jobs, livelihood and savings. We are fighting for survival — as survival is the name of the game here.

We should not allow corruption and abusive business practices to take advantage of the vulnerabilities of fellow Filipinos," ang panawagan ni Sen. Go.

Bilang tagapangulo ng Senate committee on health and demography, sinabi ni na nakahanda siya na magsagawa ng imbestigasyon sa umano'y overpricing  ng medical supplies, equipment at packages na kinabibilangan ng COVID-19 test kits, na sinasabing nabili ng pamahalaan mula sa mga mandarayang negosyante.

"Also, as a member of the Joint Congressional Oversight Committee on the implementation of the Bayanihan to Heal as One Act, I have reiterated numerous times that the funds made available to address the COVID-19 pandemic and the needs of our people at this crucial time must be accounted for---up to the last centavo," anang senador.

Kaugnay naman sa PhilHealth test package, umaasa ang senador na irerebyu ito ng management at magsisiyasat din siya para masiguro na ang PhilHealth rates ay naaayon sa bawat sentimong ginastos ng gobyerno.

Sinabi ng senador na bibigyan niya ang concerned government agencies ng pagkakataong makapagpaliwanag ng kanilang panig sa naturang alegasyon.

"Kung may makikitang anumang anomalya, pananagutin natin ang mga opisyal na ito. Wala po tayong pipiliin, wala tayong sasantuhin," ani Go.

Iginiit niya sa Executive Branch, partikular sa National Bureau of Investigation, nba magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon saka sampahan ng kaso ang mga corrupt officials at private individuals na nagsasamantala sa sitwasyon.

Tiniyak niya sa publiko na ang kalusugan at kaligtasan pa rin ng taumbayan ang prioridad ng pamahalaan habang patuloy na ipinatutupad ang mga safety protocols.

"Allow me to also reiterate that targeted testing for COVID-19 is being conducted by the government. Tulad ng sabi ng IATF, hindi po pinipilit ang mga pribadong kumpanya na bumili ng sarili nilang testing kits kaya hindi po ito dapat gamiting rason ng mga abusadong negosyante na magbenta ng mga produkto tulad ng COVID-19 test kits na lampas sa tamang presyo," ayon kay Go.

"Kung may alam po kayo na mga abusadong mga indibidwal sa gobyerno man o sa pribadong sektor, huwag po kayo matakot magsumbong sa Office of the President, sa Presidential Anti-Corruption Commission through PACC Commissioner Greco Belgica and their hotlines (09066927324 / pacc.complaints@gmail.com), o sa akin mismo. Ako po mismo magbubulong ng inyong hinaing kay Pangulong Duterte at sisiguraduhin natin na mapoprotektahan po kayo basta magsabi lang kayo ng totoo," ang sabi pa ng senador.