Nagpositibong solon sa Covid-19 nakahalubilo Sen. Go, nag-self-quarantine

March 26, 2020

AGAD nag-self-qurantine si Senator Bong Go dahil kabilang siya sa mga nakahalubilo ng isang kongresistang umamin na postibo sa Corona virus disease o Covid-19.

"Puro po ako trabaho noong nakaraang mga araw. Wala naman po akong nararamdamang sintomas ng sakit. But since protocol requires that those who were directly exposed to persons positive for COVID-19 need to undergo self-quarantine, I am left with no choice but to comply," ang sabi ni Go.

Ginawa ni Go ang pahayag matapos umamin sa media si ACT-CIS partylist Rep. Eric Yap na nagpositibo sa COVID-19.

"We are currently initiating contact tracing, particularly those present during a meeting I attended last Saturday," ani Go.

Kahit nasa self-quarantine, sinabi ni Sen. Go na  palagi siyang nakahanda na gampanan ang kanyang tungkulin.

"Pinili ko itong trabahong ito na magserbisyo. Kaya patuloy po akong maglilingkod sa kapwa kong Pilipino. I am always ready to fulfill my duties as a senator and public servant - anytime, any minute, regardless of the situation - in a manner that will not put others at risk. I will continue to serve and I am ready to die serving my fellow Filipinos," ang pahayag niya.