Nelson Guevarra: Ulirang ama, laging handang tumulong sa iba

June 20, 2020
Isko Moreno
FFCCCII DONATION — Walang sawa ang Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII) sa pagtulong kay Manila Mayor Isko Moreno. Kahon-kahong kahong face mask, gloves, PPE suites, thermal scanner, alcohol at groceries ang i-dinonate sa Maynila ng FFCCCII na kinatawan ni Nelson Guevarra, PGFLEX CEO at FFCCCII chairman ng external affairs, kay Moreno upang magamit ng mga frontliners. Pinangunahan din ni Guevarra ang pamimigay ng mga relief goods sa mga na-lockdown na mga construction workers at ilang libong residente sa Maynila. Katulong ni Nelson sina Bgy. Chairman Jefferson Lau, MMDA Traffic CZAR ng Edsa, Col. Edison Bong Nibrija at Vincent Chan, ng Brixton Fire Volunteers. Mga kuha ni JON-JON C. REYES

NGAYONG Fathers’ Day, marami ang sumasaludo at nagpapasalamat ngayong Fathers’ Day  kay Nelson Guevarra, CEO ng PGFLEX at External Affairs chairman ng Federation Of Filipino Chinese Chambers Of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII) .

Simula nang ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) noong Marso 17, 2020, nanguna na ang Filipino-Chinese Community sa pamumuno ni Guevarra sa pamamahagi ng relief packages na sasapat para sa  250,000 pamilya.

Si Guevarra ay isa sa mga frontliner na lumalaban sa kalagitnaan ng banta ng COVID-19 pandemic at nagbibigay ng suporta sa mga itinuturing na makabagong bayani ng bansa.

Hawak niya ang ranggong commodore sa Philippine Coast Guard Auxiliary, alumnus ng Chiang Kai Shek College at isang butihing ama sa tatlong anak na sina Neil, Nathan at Gia.

Bukod sa relief packages na natanggap ng 250,000 pamilya, namahagi rin ang FFCCCII ng medical supplies para sa 800 local government units, 150,000 medical institutions at 350,000 doctor sa bansa sa loob ng animnapu't limang araw..

Kabilang sa mga naipamahagi ay 200,000 packs 5-kilo rice, 5,700 sacks 50-kilo rice,2,300,000 surgical masks, 110,000 surgical gloves, 25,000 PPE suits, 16,000 pcs N95 masks,  3,000 gallons alcohol,  915 thermo scanners, 11,000 safety goggles, 3 ventilators, 10,000 tetra packs milk, 4,000 tubes Hapee toothpaate, 1,000 boxes Vitamin C, 50 folding beds, 16,000 sachet powdered milk, 60,000 cans sardines,
60,000 packs instant noodles at  1,500 meters ng PPE Tarp.

Sa kabila ng banta ng COVID-19, sa halip na manatili sa bahay kasama ang pamilya ay isinasakripisyo ni Nelson ang sarili at ginagamit ang kakayahan para makatulong sa kapwa.

Naging kasama ni Nelson Guevarra sina Reynold Siy at Joeben Tai ng FFCCCII, MMDA Traffic CZAR ng Edsa, Col.Edison Bong Nebrija at Punong Barangay Jefferson Lau at Vincent Chan ng Brixton Fire Volunteers.

Bitbit ni Guevarra ang prinsipyong "Protect the Country and Look After the People.

With Jonjon Reyes