NFA bukas ngayong Semana Santa

April 08, 2020

MANANATILING bukas araw araw ang tanggapan ng National Food Authority sa panahon na ginugunita ang Holy Week o Semana Santa.

Ayon kay (NFA) Administrator Judy Carol Dansal magtutuloy tuloy ang kanilang paglilingkod na magbibigay ng supply ng bigas sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at mga Local Government Units (LGUs) para sa publiko.

Ipinag utos na ni Dansal sa lahat ng NFA regional directors at provincial managers na panatilihin ding bukas ang kanilang tanggapan at warehouses sa buong Lenten season.

Bukod sa rice issuances, tuloy din ang pagbili ng NFA sa summer harvest ng mga farmers at cooperatives at magpatupad ng full-blast milling operations ng palay stocks.

Sa unang quarter ng 2020,nakapagbenta na ang NFA ng 3.644 million bags ng bigas na mas mataas ng 201 percent sa 1,814 million bags na distribution target nito.

Mahigit sa 900,000 bags ng bigas ang naibenta na noong nakalipas na buwan sa mga LGUs at DSWD matapos ideklara ang Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon at ilang areas sa Visayas at Mindanao.