Omnibus pinabulaanan paratang ng monopolyo, dagdag-presyo

June 01, 2020

SA isang pahayag sa media, mariiing itinatanggi ng Omnibus Bio-Medical Systems. Inc—ang tagapamahagi ng Sansure Biotech Inc. ditto sa Pilipinas—ang mga paratang na nagbenta sila ng gamit sa COVID-19 testing nang mas mataas na presyo sa nararapat.

“Walang katotohanan sa mga balita na direktang nagbenta ng mga Sansure Polymerase Chain Reaction (PCR) test kit sa Department of Budget and Management (DBM), Central Office Bids and Awards Committee-Department of Health (DOH), at PhilHealth,” idineklara ng pahayag. “Nakasandig ang aming kompanya sa sa paniniwalang nakalaan ang negosyo sa paglalaan ng pinakamainam at epektibong kagamitang pangmedisina para sa lahat. Hindi namin sisirain ang reputasyong ito, lalo na sa panahon ng krisis ng COVID-19.”

Tinawag na fake news ng kompanyang Omnibus ang mga paratang. Itinanggi rin ng kompanya na mayroong monopolyo sa merkado ng mga COVID-19 testing kit.

Nagsimula ang pagkalito sa mga presyo ng COVID-19 testing kit na ibinibenta ng Omnibus noong lumabas ang ilang mga pahayag nang hindi nililinaw na ang ibinibenta ng kompanya ay mga package, o grupo ng mga serbisyo para sa mga kliyente.

Noong naibenta ng Omnibus ang Sansure NATCH CS Fully Automated Nucleic Acid Extraction System para sa proyektong ARK ng Go Negosyo, P1.75 milyon ang halaga nito. Ipinaliwanag ng Omnibus, “FOB o free on board ang transaksyon ng Go Negosyo. Sila ang nagbayad ng karagdagang mga bayarin sa transportasyon at pag-iimbak.” Nakabase ang Sansure Biotech sa Tsina.

Nag-alok rin ng kaparehong kagamitan ang Omnibus para sa Procurement Service of DBM (PS-DBM) at sa kanilang Request For Quotation for Thermo Fisherm noong Abril 23, 2020. Isa itong ready-to-use na grupo ng mga serbisyo mula rin sa Sansure, nagkakahalagang P4.3 milyon.

Nag-alok rin ang kumpanya ng serbisyo na nagkakahalagang P4 milyon para sa PS-DBM ang Omnibus noong Mayo 6, 2020, bilang promosyon. Kasama rito ang mga materyal na gagamitin para sa marketing ng serbisyo. Mas mababa ang presyo nito dahil inihiwalay ang presyo ng makina at NATCH consumables—iyon lamang ang pagkakaiba. Isinama ang lahat ng naunang nabanggit na karagdagang kabayaran.

Dagdag pa rito, tinatrabaho ito ng Omnibus habang nasa mahirap na sitwasyon at konteksto. Minamadali rin ang pagkompleto ng pagpapadala ng mga makina sa loob ng maigsing panahon. Dahil rito, umabot ang mga bayarin ng P4.3 milyon (para sa NATCH machine at 25,000 PCR consumables), at P4 milyon (para sa NATCH machine).

Nilinaw rin ng Omnibus na wala silang monopolyo ng PCR, NATCH machines at COVID-19 testing kits. Ayon sa kompanya, madaling kumpirmahin ng kahit na sino na iisa lamang ang tatak o brand na ibinibenta ng Omnibus sa maraming mga brand na mayroon sa merkado. Omnibus ang ekslusibong tagapamahagi ng Sansure.

Kinumpirma rin ng Food and Drug Administration (FDA) na mayroon mahigit-kumulang 45 na aprubadong brand para sa PCR-based testing.

Kahit ekslusibong tagapamahagi ng mga produkto ang Sansure, mayroon pang hindi bababa sa tatlong kompanya na nagbebenta rin ng mga nasabing produkto. Dahil dito, imposibleng may monopolyo sa industriya ang Omnibus.

Dagdag pa rito, walang kapangyarihan ng Omnibus para so proseso ng bidding para sa mga nasabing test kit. Hindi na nagprotesta ang Omnibus sa kanilang pagkatalo sa proseso ng bidding.

Idiniin ng Omnibus, “Pinahahalagahan namin ang aming mga kliyente, kaya’t hinding-hindi kami manlalamang. Naninindigan kami sa dalawang dekada ng mabuting serbisyo dahil sa mapagbigay naming mga empleyado. Pinatutunayan ng aming ISO certification ang puso naming para sa industriya ng medisina at kalusugan.