Pagdanganan sa mga Iskawts: Linangin ang Wikang Filipino

August 10, 2020
Roberto M. Pagdanganan

HINIKAYAT ni dating Bulacan Governor at ngayon ay Pambansang Pangulo ng Boy Scouts of the Philippines na si Roberto M. Pagdanganan ang mga miyembro ng kapatiran na maging instrumento sa paglinang at pagpapalaganap ng WikangFilipino.

“Hindi natin maikakaila na ang wikang Filipino ay isang mahalagang bahagi ng ating kultura at isang paraan para pagbuklurin ang buong bansa,” ang wika niPagdanganan. Sinabi pa niya na dapat mas pagyamanin ang wika para sa mgasusunod pang mga henerasyon. “Kailangan nating pagyamanin ang pinakakaluluwa ng ating lahi hindi lamang para sa ngayon, hindi lamang para saatin, kundi sa ating mga anak at mga anak pa nila,” aniya pa.

Bilang paggunita sa Buwan ng Wikang Pambansa, sinabihan ni Pagdanganan ang mga batang miyembro ng Boy Scout na kilalanin ang mga bayaning naging sagisagng pagkatatag ng Filipino bilang pambansang wika at isapuso ang mga sakripisyong mga bayaning nagbuwis ng buhay upang maging malaya ang bansa mula sapananakop ng mga banyaga. 

Ayon pa sa kanya ang kapatiran ay may mga “merit badges” na maaring makamitng mga batang miyembro ilan na rito ay ang pagkilala sa mga mahahalangangbahagi ng kasaysayan ng bansa at ilang mga bayani katulad ni Gat Jose Rizal at siCommonwealth President Manuel L. Quezon na siyang tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa.” Maari itong makamit lalu ngayong may pagdiriwang nakumikilala sa bayani ng Wikang Pambansa na si President Quezon. Ayon sa kanyaang buwan ng Agosto ay ginawang buwan ng Wikang Pambansa sapagkat sabuwan ng Agosto ipinanganak at pumanaw si Quezon. 

Inatasan din ni Pagdanganan ang ilang mga Scoutmaster na manguna sapagpapalaganap ng Wikang Filipino bilang bahagi ng kanilang tungkuling linanginang kaisipan ng mga kabataan. Ang paggamit sa Wikang Filipino sa kamunikasyonat pagtuturo, ayon sa kanya ay isang mabuting paraan upang maipalaganap ang Wikang Pambansa 

“Ngayong buwan ng Wikang Pambansa, isapuso natin ang ating layuningmatugunan ang pangangailangan ng mga kabataan sa pagkatuto ng mga bagaytulad ng pagmamahal sa bansa at sa wikang kanyang kinakatawan,” ayon pa sakanya.

Ang Boy Scouts of the Philippines (Kapatirang Iskawts ng Pilipinas) ay kaisa ng pamahalaan sa layunin nitong palaganapin ang Wikang Pambansa.