
Panay Electric Company binalikan Solon
BINALIKAN ng isang mambabatas ang Panay Electric Company (PECO) kaugnay sa paninisi umano ng isang opisyal nito sa Kamara de Representantes at Senado na magkakaroon ng blackout sa Iloilo City dahil sa posibilidad na hindi ma-renew ang kanilang prangkisa.
Nanindigan si Parañaque Rep. Gus Tambunting, chairman ng House committee on games and amusement, na walang kasalanan ang Kongreso sakaling mapaso ang prangkisa ng PECO sa Enero 18, 2019.
“Congress has decided to give the franchise to another company. A franchise is a privilege granted by Congress,” giit ni Tambunting.
Nauna umanong sinabi ni PECO Legal Counsel Inocencio Ferrer na titigil ang distribution utility sa kanilang operasyon kung hindi makakakuha ng renewal ng congressional franchise.
Ipinaliwanag ni Tambunting na ibinibigay ang congressional franchise sa karapat-dapat na kompanya na may maaasahang serbisyo.
Naunang inirereklamo ng mga konsiyumer ang umano’y overcharging ng PECO na mariing itinanggi ng kompanya.
Sinita rin ni Tambunting ang hindi pagdalo ng mga opisyal ng PECO sa technical working group (TWG) hearing na binuo ng Senate committee on public services na pinamumunuan ni Sen. Grace Poe kung saan tinatalakay ang sinasabing transition process.
May kinalaman ang proseso sa maayos umanong paglilipat ng operasyon ng PECO sa bagong utility firm na More Electric and Power Corp. na binigyan ng legislative franchise ng Kamara de Representantes at halos maging ang Senado.
“PECO knows what Congress can do if they refuse to comply,” giit ni Tambunting.
“The power of Congress to exercise its functions cannot be hostaged by their refusal to participate in the TWG. Government also has the power of eminent domain. Article III, Sec. 9 of the Constitution says
‘Private property shall not be taken for public use without just compensation. Government can choose to exercise its power of eminent domain if they refuse to comply,’ ani Tambunting.