Paul’s alarm

March 20, 2020

Persist in your wrongdoings, hypocrites!

SA harap ng COVID-19 ‘pandemic’ (global infection) na umano’y “nagsimula” sa China noong nakaraang Nobyembre, dapat nating ikatuwa na nagsisimula na itong makontrol sa ngayon.

Sinabi nating “umano’y nagsimula sa China,” dahil sa mga lumabas na bagong impormasyon, malaki ang posibilidad na mayroon nang COVID-19 sa maraming mga bansa noon pang isang taon subalit hindi agad ito “natuklasan” (discovered) dahil nga “bago” itong “uri” ng ‘corona virus’ (kaya ‘novel/new corona virus,’ NCOV, ang tawag dito sa simula).

At sa China na naging “sentro” ng nasabing sakit, talagang ‘good news’ ang balita na nakontrol na ito kung saan kahit sa ‘ground zero,’ ang lungsod ng Wuhan sa lalawigan ng Hubei, ay pareho nang walang mga bagong narehistrong sakit.

Sinusulat ito, nalaman din natin na halos “balik-normal” na ang sitwasyon sa Japan kung saan pinag-aaralan na rin ang muling pagbubukas ng mga eskwelahan.

Malaking tulong at malaking bagay para sa buong mundo na hindi itinago, bagkus, agarang ibinahagi ng China, ang mga kaalaman nito hinggil sa COVID-19, dahilan kung bakit sa maraming bansa, nakahahanap na ng epektibong lunas ang kanilang mga siyentista.

Malaking tulong at malaking bagay din ang ginagawang dagdag-sakripisyo ng China na pagpapadala ng mga eksperto at mga kagamitang medikal sa mga bansa na sa ngayon ay patuloy na nilalabanan ang COVID-19, kung saan isa ang ‘Pinas sa mga pangunahing nakikinabang.

Ayon pa nga sa Chinese Embassy, parating (o nakarating) na sa Pinas ang kanilang mga eksperto at mga ayudang medikal upang matulungan tayo na malabanan ang nasabing sakit.

At take note, ang mga tulong na ito ng China ay LIBRE, kumpara sa ipinag-iingay ng mga lokal na tuta ng Tadong Unidos na “ayuda” sa pamamagitan ng USAID—na kailangan pa rin nating bayaran dahil ito ay isang porma ng ‘soft loan’ sa bansa. Translation? Basta tulong ni Uncle Sam, may “yadba” o “kapalit,” hane?

Sa panig naman ng ‘Tadong Unidos at Italy, hindi na dapat ipagtaka kung bakit “nalipat” sa kanila ang “sentro” ng sakit na ito, hindi ba, mga kabayan?

Dangan kasi, “matitigas ang ulo” ng mga residente at gobyerno sa mga bansang ito na sa pagsisimula ng pandemic ay masasabing “binalewala” ang banta ng inpeksyon kaya ang resulta? Daan-daang katao ang namamatay na Kano at Italyano sa ngayon.

‘And things can only get worse,’ wika nga, ‘before it gets better.’

***

Kung “patigasan ng ulo” (at pakapalan ng mukha) ang pag-uusapan, eh,may tatalo pa ba sa ating mga Pinoy?

Talagang ‘bad news’ na sa halip makiisa ang mga Pinoy sa mga ‘emergency regulations’ na kailangang ipatupad upang maiwasan na mauwi sa ‘epidemic’ ang COVID-19, pulos pagkontra at pagbatikos pa sa gobyerno ang alam gawin ng ilang grupo, talaga rin naman, tsk!

At “nangunguna” (as always) sa “listahan” ay itong mga komunista at ilang mga “nagmamagaling” sa hanay ng media.

Nakalulungkot na sa halip na “makita” at “maintindihan” nila na hindi lang ang ‘Pinas, bagkus, ang buong mundo, ay nahaharap sa isang ‘extra-ordinary situation,’ ipinipilit pa rin nila ang kanilang mga posisyon na hindi nakabatay sa reyalidad at bagkus, sa kanilang pulpol na estilo ng pulitika at ideolohiya!

Aber, kung hindi rin lang “nakakaawa,” “nakakapikon” na halimbawa, ang mga “hugot” ng ilang mga kasamahang organisasyon sa media—FOCAP, NUJP, PCIJ, RAPPLER, CMFR, etc., etc, na naglabas pa ng pahayag ng pagbatikos sa desisyon ng gobyerno na kahit ang media ay dapat ding ‘ma-regulate’ ang “pag-iikot” sa mga quarantine areas, partikular na dito sa Metro Manila.

Anila, “pagsikil” daw ito sa kalayaan sa pamamahayag, isang desisyon  na may bahid ng batas military at sadyang hindi naman (daw) talaga kailangan pa.

Eh, pagkatapos ng kanilang “maanghang” na batikos na ito mga kabayan, alam ba ninyo ang ginawa ng mga ito na nagpoposturang mga “tunay na kinatawan” ng media sa ‘Pinas at mga wala na ring ginawa kundi “hamakin” kami sa National Press Club?

Ayun, nagsimite rin naman pala ng kanilang mga aplikasyon para sa media pass!

Eh, wala na tayong masasabi kundi, mabuhay kayo, mga plastik, ehek, mga ipokrito, ayy, mga bosing, hehehe!

Kung makabanat kayo para kayo na lang palagi ang magaling at lahat ng ginawa ng gobyerno ay sablay. At pagkatapos, susunod din naman pala kayo sa regulasyon? Aba’y makakapal nga ang mukha ninyo, di nga?

Eh, mas bibilib sana sa inyo ang publiko at “tataas” pa marahil ang kredibilidad ninyo  kung “nanindigan” kayo sa inyong posisyon na “kayo” ang malaki ang tama at mali na naman ang gobyerno, hindi ba?

Sa ganang atin naman, hindi masama—at nararapat lang sa isang demokrasya—na batikusin ang gobyerno. ‘Yun nga lang, hindi ba marapat na “ilagay sa lugar” ang mga batikos at pagpuna?

Sa panahon ngayon na ang kailangan ay pambansang pagkakaisa at sakripisyo para matiyak ang tagumpay laban sa isang “kaaway” na mapanganib at hindi nakikita, talagang wala sa lugar at wala sa katwiran na bigyang kulay-pulitika at ideolohiya ang mga batikos at pagpuna.

Translation? The fastest way for this kind of people and organizations to lose their credibility is to persist on their wrongdoings and ‘wrong sayings.’ Go on, persist and be unmasked for what you are—hypocrites!

Abangan!