Pollution mula carbon hiniling na puksain

March 08, 2020

HINIMOK  ng lider ng Simbahan, mga tagapangalaga ng kalikasan at residenteng  apektadong komunidad na napapaligiran ng mga itinayong ‘coal-fired power plants’ na puksain at aksiyunan ng gobyerno ang polusyong ibinubuga umano mula sa karbon.

Ipinaliwanag ni  Fr. Warren Puno, head ng  the Ministry of Ecology of the Diocese sa Lucena, ang karbon na ibinubuga ng mga planta ay nananatili sa hangin at hindi lamang ang kalikasan ang nalalason nito, kundi maging ang kalusugan ng mga residente na naninirahan malapit sa ‘coal-fired power plants’.

Kasabay nito ay nagsagawa ng kilos-protesta sa  harap ng tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources  sa Quezon City ang mga kinatawan ng komunidad na labis na naaapektuhan ng polusyon sa bansa.

Ang rally ay pinangunahan ng  Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ), na sinuportahan ng ibat ibang organisasyon na kaakibat ng  Power for People Coalition (P4P) na mariiing tinututulan ang pagtatayo ng ‘coal-fired power plants’.

Kabilang sa mga nagprotesta ang mga kinatawan sa komunidad sa Limay,  Bataan, Toledo City sa Cebu, at Quezon  Province, kung saan pinapatakbo o operational ang mga ‘coal-fired power plants are operational.
“The DENR should have had its own report which it could have released to refute or support the conclusions of Air Visual,” ani ng nagpopotresta.

Kaugnay nito, hinikayat rin ng Environment at  health group na Health Care Without Harm (HCWH) ang DENR na pag-ibayuhin ang kanilang adhikain na protektahan ang kalikasan, maging ang kalusugan ng mga apektado ng komunidad.