Student Fare Discount Act ikinagalak ng commuters group

July 17, 2019

IKINAGALAK ng commuters group ang pagiging batas ng Republic Act 11314 o Student Fare Discount Act.

Ayon kay Atty. Ariel Inton Jr., founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), kung dati sa mga public land transportation lang may student discount sa pamamagitan ng Land Transportation Franchising and Regulatory memorandum circular, sa ilalim ng batas pati sa land, sea at air transport ay may student discount na rin may pasok man o wala.

Ang hindi lang kasama dito ay mga naka-enroll sa seminar type at mga post graduate course student tulad ng mga nagdo-doctorate, law at medisina.

Kailangan lang na may valid school  ID  o  kaya current validated form of enrollment at government ID na mapakita.

Mabigat ang multa sa mga violator. Suspension ng driver’s license at multa mula P5,000 to P150,000..

May ilang tanong ang LSCP para sa full implementation ng bagong batas, ayon kay Inton.

“Halimbawa sa mga Transportation Network Vehicle Service (TNVS), paano kung ang magulang ang mag- book para sa elementary student? Paano ang sistema ng pagbigay ng discount?,” tanong ni Inton.

Kung rush hours at may surging anong coverage ng discount?

Maging sa mga tricycle sino gagawa ng rules, local government of Department of Interior Local Government?

Ayon kay Inton. sana masagot agad ang kanilang tanong upang maiwasan ang posibleng gulo sa hanay ng mga student at driver sa full implementation ng batas.