Transportation Network Vehicle Service strike naka-amba!

July 04, 2019

MAGSASAGAWA ng transport strike ang 20,000 miyembro ng Transportation Network Vehicle Service (TNVS) community sa Lunes  sa key cities sa buong bansa.

Sa press conference kahapon na pinangunahan ni Atty. Ariel Inton Jr., founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), at ibat ibang grupo ng TNVS, tatagal ang strike ng 12-oras mula alas-6 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi.

Tiniyak din ni ACTS-OFW Partylist Cong. Aniceto Bertiz III na sasama ang kanilang grupo sa nasabing transport strike sa pamamagitan ng pagsasampa ng kaso laban sa mga official ng LTFRB sa Office of the Ombudsman.

Ang isang grupo naman ay sa Quezon Memorial Circle upang tiyakin ang synchronize movement ng grupo sa buong bansa oras na magsimula ang strike ng alas-6 ng umaga, saad ni Inton.

Mayroon din grupo sa area ng Senate-Diokno Avenue sa Pasay City upang uparating din sa Senate leadership ang pahirap na ginagawa ng LTFRB sa TNVS community.

“Pahirap policy sila”, sagot ng grupo sa press conference.

Humingi naman ng apology ang TNVS community sa taong bayan at hiningi ang pangunawa ng mga ito.

Ayon pa sa grupo kung patuloy silang hindi papansinin ng LTFRB umpisa lang ito ng marami pang protest rally hanggang sa State of the Nation Address ni President Rodrigo Duterte upang ipaabot ang pahirap policy ng LTFRB, saad ng grupo.