2 bagong COVID cases sa Calapan

August 17, 2020

CALAPAN City,-- May naitala na dalawang kaso ng COVID-19 positive kamakailan sa nasabing siyudad ayon na rin sa lokal pamunuan dito.

Ayon kay Calapan City Mayor Arnan Panaligan ang mga ito ay maituturing na “imported cases” o hindi resulta ng local transmission dahil sa ang mga nag-positive sa nasabing virus ay parehong returning Overseas Filipino Workers (OFW)s.

Ayon sa report ang dalawa ay maaring infected na at dala na nila ang mga nasabing virus nang dumating sa nasabing siyudad.

Pareho silang asymptomatic o walang sintomas noong dumating. Kaagad silang sumailalim sa swab test pagkarating dito noong August 2  at sumaialim sa quarantine procedure.

Ang resulta ng PCR test mula sa RITM ng dalawa ay lumabas lamang kahapon, August 15 o 14 na araw matapos silang dumating. Hanggang ngayon ay wala pa rin silang sintomas. Sapagkat nakalipas na ang 14 na araw at wala silang sintomas, Base sa espekulasyon ng duktor, maaaring isailalim sila sa rapid test at madeklara na clinically recovered. Ang mga returning OFWs na ito ay isang babae mula sa Dubai at isang lalaking seafarer.

Muli, ang paalala ni Mayor Panaligan ng nasabing siyudad ay ang matinding pag-iingat.na mag-ingat ang lahat, magsuot palagi ng face mask, mag obserba ng physical distancing, mag sanitize ng mga kamay at iwasan ang mga pagtitipon o pakikisalamuha sa tao.

Ayon pa rin sa butihing mayor  ang Calapan City Police Station ay lockdown ng 15 araw mula pa noong August 8 matapos mapag-alamang pito sa mga jail inmates, isang civilian employee, apat na police trainees at isang babeng pulis ang naging positibo sa COVID-19.

Ayon kay Oriental Mindoro Governor Humerlito Dolor noong  Sabado ay sinabi niya na habang nasa temporary quarantine process ang police station ng nasabing siyudad ay pansamantalang isasailalim muna ang operasyon ng Oriental Mindoro Provincial Police Office (ORMPPO)

Ayon kay Panaligan anim na pasyente ng COVID-19 ay nailipat na sa City Quarantine and Isolation Unit (CQIU). Ang 59-year-old na inmate is from Bgy. Balite ay naipadala na sa ospital.

Ang nasabing civilian employee ay taga Bgy Lalud at ang apat na trainees ay taga Bgy. Guinobatan. Ang babaeng pulis ay taga Bgy. Salong.
“Let us act as if we are on voluntary ECQ (enhanced community quarantine),” said Panaligan. Calapan has been on modified general community quarantine since August.