2 bgy. kap na sawsaw sa halalan lagot sa Department of Interior and Local Government

February 05, 2019

PINAGPAPALIWANAG ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang dalawang Barangay Chairmen sa Alaminos City, Pangasinan kung bakit nila hinaharangan ang mga proyektong pang-barangay ng mga organisasyong hindi nila kaalyado.

Inutusan ni DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño sina Brgy Chairman Leonesa Mendez ng Sta. Maria at Brgy Chairman Raul Bacay ng Lucap, parehong barangay ng Alaminos City, Pangasinan, kung bakit hinaharangan nila ang mga proyektong pang-barangay ng mga organisasyong hindi nila kaalyado.  

Nauna rito, nagreklamo si Mark Anthony Tuazon, 51,  na dahil sa sira-sira nilang kalsada, nangalap sila ng mga donasyon upang ito ay maipagawa. Subalit nang ideliver na ng trak ang mga semento, hinarang umano ito ni Chairman Bacay at minura pa ang nag-deliver habang nakasukbit ang kalibre .45 baril.

Sa kabilang dako naman, inireklamo rin ni Emily Carolino si brgy chairperson Mendez ng Sta Maria dahil sa kanyang pagtangging ipagamit ang plaza ng barangay para sa Kalusugan Caravan. Ito umano sana ay para sa libreng medical at dental consultations, libreng mga gamot, libreng minor operations para sa mga mamamayan, subalit ito ay pinigilan ni kapitan dahil hindi sila ka-alyado.

Ayon sa liham ni Usec. Diño, kailangang sagutin kaagad ng dalawang kapitan ang nga reklamong abuso sa kapangyarihan at pagtangging mag-issue ng barangay permit.

Ang dalawang kapitan ay kilalang kaalyado ni Alaminos City Mayor Arthur Celeste na tumatakbo ngayon sa pagka-gobernador ng lalawigan ng Pangasinan, na lumalaban sa kasalukuyang gobernador na si Gov. Amado “Pogi” Espino II.