2,454 arestado sa Batangas SACLEO

August 21, 2020

CAMP Gen Miguel Malvar, Batangas -- Dahil sa paghimok ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kapulisan na higpitan ang pagpapatupad ng mga patakarang pangkalusugan o health measures, nagsagawang muli ng pina-igting na Anti-Criminality Law Enforcement Operatios ang Batangas Police Provincial Office sa pamumuno ni Police Director Col. Rex Arvin T. Malimban, ayon sa police provincial PIO chief P/Capt. Hazel P. Luma-ang Suarez.

Ayon kay Col. Malimban, sa limang araw na isinagawang  Simultaneous Anti-criminality Law Enforcement Operation  (SACLEO)  mula Agosto 14 hanggang Agosto 18 ay umabot sa 2,220 katao ang nahuling lumabag sa mga lokal na ordinansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ang  Sto Tomas City Police Station personnel ang may pinakamaraming nahuling  mga lumabag sa GCO na umabot sa 274 violators, kasunod ang Lipa City na may 218, at pangatlo ang Calaca na nagtala ng 211 violators.

Ayon pa rin sa police director, 48 wanted persons at 96 mga drug personalities ang naaresto sa magkakasunod na operasyon ng mga otoridad.

Sinabi pa ni Maliman na humigit-kumulang 126 na mga armas ang isinurender sa ilalim ng Balik-Armas Program ng Batangas PPO for safekeeping habang pino-process ang mga kaukulang dokumento upang mairehistro.

Kamakailan ay naiulat na ang Gokongwei-led JJ Summit Petrochemicals Group (JGSPG)  na nasa Bgy. Simlong sa Batangas na nagsasagawa ng plant extension ay pinatigil ang construction nang maiulat na 10 trabahador ang nagpositibo sa COVID-19 simula ng mag-isyu  noong August 11  ng 14-dah suspension of construction work si Batangas Mayor Beverly Dimacuha.

Ayon sa report umabot sa 70, kasama na ang 27 Indonesians na empleyado ng contractor na Atlantic, Gulp and Pacific (AG&P) ang  na-quarantine sa kanilang pension house.

Ayon kay Armando Lazarte, head of n city's pandemic monitoring team, patuloy ang ginagawang monitoring ng kumpanya upang maresolba ang sitwasyon.

Patuloy pa rin ang pagpapatupad ng GCQ  sa Batangas dahil sa mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19. Ang mga patakaran sa ilalim ng mga ipinatutupad na mga ordinansa ay naayon saa alituntunin ng IATF.