4 na ipo-ipo sa Laguna naghasik ng pangamba

May 31, 2020
Ipo-ipo
Ang mga ipo-ipo matapos sa gitna ng Laguna Lake. Kuha ni GIL AMAN

LUMITAW ang apat na ipo-ipo na tumagal ng mgs 20 minuto sa Laguna Lake  kamakalawa ng hapon .

Sinasabing sa kabila ng hindi naman bumuhos ang malakas na ulan, amagkakatabing lumitaw ang mga ipo-ioo  sa bahagi ng lungsod ng Sta. Rosa, Binan, Muntinlupa at sa bayan ng Binangonan, Rizal pasado alas 5 p.m.

Dahil dito, nagdulot ito ng matinding pangamba sa maraming residente sa nabanggit na lugar matapos mamataan ang patuloy na paglaki ng isa sa mga ito.

Ayon sa mga saksi, makaraan ang mahigit na 20 minuto, magkakasunod na naglaho sa makapal na ulap ang apat na ipo-ipo

Walang naitalang nasirang kabahayan at mga ari-arian sa Lawa.

Nananatili umanong palaisipan sa mamamayan ang biglaang paglitaw ng apat na malalaking ipo-ipo sa Lawa ng Laguna.