5.6 lindol sa Sarangani

March 16, 2019

INUGA ng magnitude 5.6 na lindol ang probinsiya ng Sarangani kahapon ng umaga, ayon sa Philippine Institutes of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Saktong 7:07 ng umaga ng maramdaman ang lindol, at ang sentro nito ay natukoy 10 kilometro northeast sa municipality ng Alabel, saad ng Phivolcs.

Sa monitoring ng (Phivolcs) tectonic ang origin ng lindol at may lalim sa lupa ng 96 kilometers.

Dahil sa lindol naramdaman ang intensity V sa mga lugar ng Koronadal City; Malungon, Sarangani. Intensity IV sa Alabel, Malapatan and Kiamba, Sarangani; General Santos City and Tupi, South Cotabato. Naramdaman naman ang Intensity III sa Davao City; Glan, Sarangani; Tacurong City, Sultan Kudarat; Intensity II sa mga lugar ng Kidapawan City; Makilala and Magpet, North Cotabato. at Intensity I sa Cagayan De Oro City.

Naramdaman din ang Intensity V sa Alabel, Sarangani; General Santos City, South Cotabato. Intensity IV sa Kiamba, Saranggani. Intensity III sa T’Boli, South Cotabato; Davao City, Intensity II sa Kidapawan City at Intensity I sa Zamboanga City.

Wala namang naiulat na mga damages of property ang Phivolcs subalit nagbabala ito ng posibleng aftershocks sa mga lugar na tinamaan ng lindol.