5.9 lindol niyanig Davao Oriental

January 16, 2019

NIYUGYUG ng magnitude 5.9 lindol ang Davao Oriental kahapon ng madaling araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Tumama ang sentro 4:03 ng madaling araw 127 kilometro southeast of Governor Generoso town.

Tectonic ang origin ng lindol at 114 kilometers ang lalim sa lupa, ayon sa Phivolcs.

Sanhi ng lindol naramdaman ang Intensity 4 sa mga lugar ng Davao City, San Josefa, Agusan del Sur.

Intensity 3 naman ang naramdaman sa mga lugar ng General Santos City, Gingoog City, at Tupi, South Cotabato. Sa Cebu City at T’boli at sa South Cotabato naramdaman naman ang Intensity 1.