8 sabungero timbog sa tupadahan sa Los Banos

March 30, 2020

WALONG sabungero ang arestado sa isang tupadahan sa kabila ng mahigpit na ipinatutupad ng lokal na pamahalaan ang Enhanced Community Quarantine Linggo ng hapon sa Los Banos, Laguna .

Sa report ni PLt.Col. Louie Dionglay,hepe ng Los Banos  police kay Laguna Provincial Director PCol. Serafin Petalio II, kinilala ang  mga arestadong suspek na sina Regino Lapitan, 45, Jayson Lapitan, 19,  Dary Remegio,40, Marvin Cruzat, 37,   Allan Ariston, 41, Jhon Paulo,19, Reynaldo Manggubat,16, at  Ariston Palmones, 53, pawang residente ng Bgy. Maahas, Los Banos, Laguna.

Mahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602  at RA 9287 (illegal cockfighting) ang mga suspek na kasalukuyang nakapiit sa Los Banos municipal jail at nakatakdang isampa ng pulisya sa Calamba City prosecutor office laban sa mga Ito.

Dakong alas 2 ng hapon isinagawa ni PMajor Marlon Calonge, chief Intel at (DET) ang pagsalakay sa pinagdausan ng illegal na tupada .

Nasorpresa ang mga suspek habang patuloy ang pustahan kasabay sa pagkabawi ng halagang P660 na mga pusta .

Nabawi rin ng operatiba ang dalawang tari gayundin ang tatlong sasabunging manok sa mga suspek.