Bauan mayor namahagi ng bigas, isda, iba pa sa mga residente

Ryan Dolor

NAGING abala ang mayor ng Bauan, Batangas  kasama ang ilang opisyal nang mamahagi ng mga sako- sakong bigas, isda at mga manok sa mga residenteng apektado ng COVID-19.

Naunang nabigyan ng ayuda sa pangunguna ni Mayor Ryan Dolor ang mga residente sa bulu-bunduking barangay Alagao at Sinala kung saan ay nakatanggap sila ng ilang  salop na bigas, isda at mga itlog.

Higit ang naging pasasalamat ng mga residente sa butihing mayor at nabigyan sila ng mga ayuda lalong lalo na sa mga residenteng nawalan ng mga hanapbuhay.

Samantala apat na ang naging positibo sa COVID-19 sa bayang ito at ang mgandang balita ay magaling na ang 23-year-old na babaeng Medtech  na nakalabas na siya ng ospital at sumasailalim sa mandatory quarantine at umano’y nagpapagaling na rin ang kanyang 73 gulang na ama na kanyang nahawa.

Nabanggit pa rin ng nasabing alkalde na ginawang quarantine facility ang isang dating ospital sa nasabing bayan.

Humingi naman ng paunawa sa mga residente ang nabanggit na mayor na kung hindi mapagsabay-sabay ang pamamahagi ng ayuda sa 40 barangay na nasasakupan nya, ay binanggit n’ya na lahat ng mga residente mayaman man o mahirap ay mabibigyan ng kaukulang tulong mula  sa lokal na pamahalaan.