Bf binlock sa FB ng gf ngayong ECQ nagbigti!

April 26, 2020
Rope

ISANG 35-anyos na obrero ang nagbigti sa sama ng  loob matapos  i-block ang kanyang Facebook account ng kanyang kasintahan simula ng Enhancement Community Quarantine (ECQ)sa Alaminos,Laguna.

Kinilala ng  Alaminos police ang biktima na si Jose Herman Alvarez ng Bgy. Sta Rosa, Alaminos.

Ayon sa pulisya, nadiskubre ang katawan ng biktima ng kanyang ina dakong 4 :30 a.m. na nakabitin sa paluko ng kanilang bahay gamit ang itim na electric nylon cord.

Base sa salaysay ng kapatid na babae  ng biktima sa pulisya, sumama umano ang loob ni Jose Herman simula ng i-block ang kanyang Facebook account ng kanyang nobya.

Simula ng hindi makontak ang ka-live-in partner na  umalis ng bahay bukod sa lockdown ay  naging labis ang kalungkutan  ng biktima.