Bgy chairman di nagbigay ng passes sa adik, pinatay sa taga!

April 14, 2020
Ang duguang suspek
Ang duguang suspek habang mahigpit binabantayan ng nagrespondeng pulisya. Kuha ni GIL AMAN

PATAY ang 57 anyos na acting barangay chairman matapos hatawin ng matalas na itak ng drug addict na suspek sa harapan ng  barangay hall , Barangay Sta Ana, San Pablo City,  kahapon ng umaga.

Kinilala ni PLt.Col Elmer Bao., hape ng San Pablo police, ang biktima na si Larry Rosales, na kasalukuyang barangay chairman ng Bgy. Sta Ana, sa lungsod Namatay si Rosales bunsod ng malalim na sugat sa leeg gayundin sa kanyang ulo sa San Pablo City Medical Center sa loob isang oras.

Samantala, matapos ang pananaga sa biktima, agad namang naaresto ang suspek na kinilalang si Pablito Hernandez, 45, walang hanabuhay at residente sa nasabing Barangay.

Nabawi ng imbestigator mula sa suspect ang matalas na gulok na ginamit sa pananagawa sa biktima.

Si Hernandez, ayon sa pulisya ay sabog sa ipinagbabawal na droga na nagtamo naman ng dalawang tama ng bala sa hita at kamay ng tangkain nitong tumakas.

Dakong alas 10:30 ng umaga kahapon ng magtungo sa barangay hall ang suspek dala ang isang bag na naglalaman ng itak.
Kinausap umano suspek ang opisyal upang humingi ng passes para makalabas ng barangay subalit hindi  ito  napagbigyan.
Dahil sa pagkabigo ay inilabas ng suspek ang matalas na itak saka inundayan ng taga ang biktima.