Cavite mayor COVID-19-positive

March 24, 2020

NAIC, Cavite. - Pinatotohanan ni Naic Mayor Junio Dualan na siya ay tinamaan ng Corona Virus o COVID-19 ayon sa kanyang Facebook account.

"Ikinalulungkot ko pong ibalita na ang resulta ng swab testing na ginawa sa inyong lingkod noong March 18, 2020 ay “Positive”pag-amin ni Dualan.

"Minabuti ko pong pumunta muna sa isang ospital upang mag undergo ng thorough check up para na rin malaman ang kalagayan ng aking katawan.

“After ng ilang tests at procedures ay “Positive but in good condition” po ang naging resulta kung kaya’t ako po ay pinayuhan na mag-strict self quarantine.

“Muli po hinihingi ko ang inyong pang unawa at dasal. Sana po ay ating sundin ang mga guidelines ng gobyerno ukol sa enhanced community quarantine o ECQ dahil ito naman po ay para din sa inyo at para sa lahat.

“Sa awa ng Panginoon alam kong malalampasan natin ang lahat ng ito.

“Mag ingat po kayong lahat at mahal ko kayo kapwa ko Naicqueños.”

Kabilang si Mayor Dualan sa apat na bagong Positve Covid-19 patient na inanunsyo ni Governor Jonvic Remulla kahapon.si Mayor ng  64 years old, mula Naic, kasama ang 71 years old na isa pang lalaki, 30 years old na babae mula Tanza at 67 years old mula Indang.

Hinikayat ni Remulla na tupdin ang pinag-uutos ng pamahalaan na Social Distancing at manatili sa ating mga bahay habang ang buong bansa ay nasa isang buwang quarantine period.

May kabuuang na ang COVID-19 positive sa lalawigan. Gumaling na ang unang biktima  mula sa Imus City. Ni.