Expressway projects muling ipinagpatuloy

Muling ipinagpatuloy ang mga nahinto at nabinbing proyekto sa mga expressway nang isinailalim sanhi ng ipinatupad na Enhanced Community Quarantine.

Kabilang na riyan ang NLEX Harbor Link C3-R10 Section, NLEX Connector, Subic Freeport Expressway Capacity Expansion at ang maintenance ng Candaba Viaduct.

Ayon kay NLEX Corporation President J Luigi Bautista, susundin nila at ng kanilang mga contractor ang mga alituntunin at safety protocol mula sa Department of Health, Department of Labor and Employment at Department of Public Works and Highways upang siguruhin ang kaligtasan at kalusugan ng mga manggagawa.

Ani Bautista, ang pagpapabilis ng konstruksyon sa mga proyekto ay lubhang makakatulong sa pamahalaang muling sumigla ang ekonomiya sa kabila ng krisis sa kalusugan.