HPG member, 2 pa nagpaputok sa inuman, timbog

April 22, 2020

ARESTADO ang isang miyembro ng Highway Patrol Group (HPG) IVA matapos magpaputok ng baril kasama ang dalawa  pang sibilyan habang nasa kainitan ng kanilang inuman sa loob Ng Bella Vista Subd. Bgy. San Andres Alaminos, Laguna.

Kinilala ni Laguna Provincial Director PCol Serafin Petalio II ang suspek na si PMSg Efren Taduran ,38, at residente sa nasabing Subdivision.

Si Taduran ay kasalukuyang nakadestino sa HPG sa Region IVA.

Samantala, ang dalawa pang suspek na kinilalang sina Eliferio Sumaljad, 37, OIC sa Discovery Bar  at Rico Panisan, 44, driver, kapwa residente sa nasabing subdivision.

Mahaharap sa kasong alarm at scandal ang mga suspek.

Sa imbestigasyon ng pulisya,  dakong 9:45 p.m. nang maalarma ang naka-assign na security guard sa subdivision dahil sa tatlong sunod-sunod na putok ng baril.

Dahil sa pangyayari agad ipinagbigay alam ng guwardya  sa pulisya ang pangyayari kung saan aktong nagsasagawa ng inuman ang mga suspek sa kabila ng  ipinatutupad na liquor banned.

Narekober ng nagrespondeng tauhan ng  Mobile 475 ang tatlong basyo ng bala  mula sa 9mm na baril na gamit ng suspek.

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng pulisya ang mga suspek na nakatakdang samoahan Ng kaukulang kaso.