Investors umayaw sa Iloilo City

August 24, 2020

AMINADO ang isang influential leaders group mula sa Iloilo City na naging malaking factor sa mabagal na pag-angat ng ekonomiya ng siyudad ang malaking naging problema sa kawalan ng stable na supply ng kuryente sa loob ng ilang dekada sa ilalim ng pangangasiwa ng dating Distribution Utility(DU) na Panay Electric Company(PECO).

Ayon sa Iloilo Economic Development Foundation(ILEDF), isang grupo ng mga negosyante mula sa government at private sector, bagamat nagkaroon ng mga improvements ang PECO sa kanilang distribution system para mapabuti ang serbisyo mula sa pagitan ng taong 2010 hanggang 2016 ay hindi naman ito nakasapat at nakatugon sa malaking demand na ng lalawigan.

Ito rin umano ang dahilan kung bakit maraming investors ang tumalikod sa Iloilo City at tumangging mamuhunan.

“Thou PECO initiated some improvements but still its not enough, its still not at par with the standards and requirements set to attract investment”paliwanag ni ILEDF President Francis Gentoral.

Aniya, isa ang pagkakaroon ng maayos na utilities sa sukatan ng mga investors bago mamuhunan, kaya naman kumpiyansa sila sa naging pagtakeover ng More Eletric and Power Corp(More Power) sa PECO dahil na rin sa target nitong magkaroon ng world class electricity service sa Iloilo City, giit ni Gentoral, ito ang  kanilang hinihintay dahil ito ang magbibigay daan para magbukas ng mga bagog invesments na tutulong para tuluyan nang umangat ang ekonomiya ng lalawigan na may ilang taong napigil.

Hinikayat ni Gentoral ang mga Ilonggo na suportahan ang More Power dahil na rin sa nakikita nila ang mga pagbabagong ipinatutupad nito sa kabuuan ng power system ng Iloilo City, pangunahin na ang paglalagak ng malaking puhunan na aabot sa P1.8B para sa modernization program.

Kumpara umano sa PECO, ang More Power bilang power supplier, ay may financial capability at mga investments para sa infrastracture, systems technology at human resources na syang kailangan ng Iloilo City bilang isang fast- growing Metropolis.

Kaugnay naman nakabinbin na petisyon ng PECO sa Korte Suprema na kumukuwestiyon sa legalidad ng naging pagtake over ng More Power, sinabi ni Gentoral na umaasa silang hindi na hahadlangan ng dating distribution utility ang pag-unlad ng Iloilo City.

“ILEDF calls for unity in the face of the global health crisis and for PECO to accept the thing it can no longer change in order for the whole of Iloilo City to move forward and level up as envisioned by the city government”pahayag ni Gentoral.

Naniniwala ang ILEDF na dapat nang tanggapin ng PECO ang naging pasya ng mga power consumers na mapallitan ito sa Iloilo City.