Lindol sa Davao Sur

March 03, 2020

NIYUGYUG ng 3.7 magnitude na lindol ang Davao del Sur kahapon ng alas 5:26 ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang sentro ng lindol ay naitala sa may 004 kilometro ng timog kanluran ng Kiblawan Davao Del Sur.

Umaabot naman sa 010 kilometro ang lalim ng lupa.

Tectonic ang origin ng lindol, ayon sa Phivolcs.

Bunsod nito naramdaman ang Intensity 2 sa Kidapawan City; Malungon, Sarangani at Intensity I sa Tupi, South Cotabato.

Wala namang naging damage ang naturang pagyanig at wala ding inaasahang aftershocks.