Lolo pinatay sa taga dahil sa sako ng uling

May 19, 2020
Makikita sa mga larawan ang pinaslang at ang suspek habang umaamin sa krimen kay Capt. Jarabejo III. Mga kuha ni GIL AMAN

PATAY  ang isang 65-anyos na lalaki matapos hatawin ng taga sa leeg at sa likod ng kanyang katawan ng kanyang helper habang tulog  ang biktima Lunes ng gabi sa kanyang kubo sa Bgy. Sumucab, Cavinti, Laguna.

Kinilala ni P/Capt.Abelardo Jarabejo III, hepe ng Cavinti police  ang  biktima na si Renato Dela Torre,66, ng Mabini St. Cavinti,Laguna.

Nadiskubre ang biktima na  halos maputol ang ulo dahil sa hataw ng jungle bolo na gamit ng suspek.

Samantala, isang isang araw matapos ang pagpatay sa biktima ay  agad namang naaresto ang suspek na si Mario Gacelo, 21, ng Bgy. East Talaongan, Cavinti

Dakong 6:30 a.m. nang tumambad ang duguang bahagi ng katawan ng biktima sa loob ng tinuyuluyang kubo kung saan ito gumagawa ng panggatong na uling.

Sa inisyal na imbestigasyon, katulong ng matanda ang suspek sa pag-uuling gayundin ang tatlo pang lalaki na nagsisilbi dito.

Ayon Kay PCapt. Jarabejo III, posibleng nag-ugat ang pamamaslang ng suspek sa biktima nang ito ay pagalitan ng matanda dahil sa umanoy pagnanakaw ng isang sako ng uling.

Kinagabihan pinuntahan  g suspek at ng tatlo pa nitong kasama ang biktima at pinagtataga ito.