Mangingisda patay sa kidlat, misis sugatan

June 16, 2020

PATAY ang isang mangingisda at sugatan ang kanyang live-in partner nang tamaan ng kidlat bandang 5:15 p.m. noong Lunes sa Bgy. Naglaoa-an, Sto Domingo, Ilocos Sur.

Kinilala ng mga otoridad ang namatay na si Fernando Tabin y dela Cruz, 71, mangingisda, at ang live-in partner na si Cristy Amorin y Balagon, 61, parehong residente ng Bgy. Naglaoa-an, Sto Domingo, Ilocos Sur.

Ayon sa report, inaayos ng mga biktima ang kanilang kubo sa kalakasan ng ulan sa nang biglang kumidlat at aksidenteng tinamaan ang mga biktima na nagtamo ng maraming sugat sa ibat-ibang parte ng katawan.

Agad namang naisugod ang mga biktima sa Northside Doctors Hospital pero idineklara ng dead on arrival si Tabin habang ang live-in partner niya ay nagtamo ng mga sugat at kasalukuyang ginagamot sa nasabing hospital.