Noveleta LGU namigay ng ayuda sa mga TODA at Pedicab Drivers.

March 27, 2020

NOVELETA, Cavite. -  Nakatanggap ng ayuda mula sa lokal na pamahalaan dito ang may mahigit isang daang tricycle at pedicab drivers dahil sila nawalan ng walang hanapbuhay simula ng nagdeklara ang bansa ng community quarantine dulot ng Corona Virus o COVID-19.

Pinagkalooban ni Mayor Dino Chua ng tig-5 kilong bigas at food packs ang bawat tsuper ng bayan at ipinangako na magkakalooban sila linggo-linggo hanggang hindi natatapos ang krisis na dulot ng COVID-19.

Inihayag din ni Chua na positive ang isang PUI mula sa Barangay San Jose 1 ayon sa swab test nito.

"Paulit-ulit kong sinasabi sa kapwa ko  Noveleteno na sundin ang community quarantine na pinatutupad ng bansa," ayon kay Mayor Dino Chua.

"Naniniwala po ako na hindi dapat itong inililihim, the more na inililihim ito, mas maraming tao ang mahahawa,” dagdag ni Chua.

"Ang lokal na pamahalaan ay umorder na din ng  Rapid COVID-19 Testing kit para mapabilis ang pagkuha at malaman ang resulta dito mismo sa ating bayan," ayon kay Dr. Hilda Bucu, Municipal Health Officer ng Noveleta.